Powered by Max Banner Ads 

Nagbibigay ang Talentadong Pinoy (TP), hosted by Ryan Agoncillo, ng magandang opportunity for a career in show business ang iba’t ibang “talentadong” kababayan.

Heto ang ilan sa kanila na pinalad na magkaroon ng career matapos na ma-expose ang kanilang talent sa show:

–ang sampaguita at fishball vendor na matapos sumali sa TP bilang singer ay kabilang na ngayon sa cast ng youth-oriented show na Lipgloss.

Elmo Rodriguez–ang three-year old dancer na hindi man nanalo sa show ay nasa Kiddie Kwela na ngayon.

Mark Mangaliman–tinaguriang “the man with 60 voices” dahil sa galing niyang manggaya ng boses ng iba’t ibang tao at hayop. Ngayon ay official voice talent na ng Shock Attack ng din.

Carl Acosta–ang five-year old frontman ng Freestyler Dance Troupe na ngayon ay nabigyan na ng role sa stage play na Joseph The Dreamer ni Audie Gemora. Si Audie ay isa sa mga judges ng TP at sobrang na-impress sa galing ni Carl kaya binigyan niya ito ng break sa kanyang stage play.

Gutierrez Acrobatic Family–break sa abroad naman ang naging kapalaran ng three-week TP contender na ito. Hinatid pa nga sila ng production team ng TP sa airport noong lumipad nila patungong Taiwan, kung saan nakatanggap sila ng offer.

Pero kung talent din lang ang pag-uusapan, hindi naman kulang dito ang mismong host ng show na si Ryan. Bukod sa pagiging mahusay na host, aktor at photographer, talent din ni Ryan ang Drifting o Car Drift Racing at Superbike (800 cc and up) Racing.

Magkaroon kaya ng pagkakataon sa TP na mai-showcase naman ni Ryan ang mga talent niyang ito?

“Well, sana, sana mabigyan ng chance. Kung sakali. Pero we want to keep it about the contestants. It’s not about me. It’s all about the contestants,” sagot ni Ryan na host ng 7 pm Saturday night show ng TV5.

Sa car drifting, kailangang i-maintain ng isang driver ang balance at direksyon ng isang kotse habang nag-e-execute ng animo lumulutang o dumudulas na maneuver sa race track. Ani Ryan, pinag-aralan daw niya talaga ito at kasabay pa niyang nag-aral noon ang fiance niyang si Judy Ann Santos. Pero sinabi ni Ryan na hindi na raw nagdi-drifting ang soon-to-be Mrs. Agoncillo.

“Hindi na,” sabi pa ni Ryan. “Minsan, pumipitik. Sometimes she borrows my car, nagdi-drift. Pero hindi na masyado, hindi na kasi praktisado, e.”

Watch Ryan’s interview by clicking here, and watch him talk about Juday more by clicking here. pep.ph

Search Terms: judy ann santos and ryan agoncillo latest news 2011, http//www talentadongpinoy com, ryan agoncillo latest news, ryan agoncillo website, who are the contestant in talentadong pinoy saturday night