Powered by Max Banner Ads 

Plus factor ng programang na napapanood sa every Sunday evening ay ang host nitong si . It was also TV5 who gave Ryan the chance to host the very first Philippine Idol.

Hindi man nasundan ang unang episode ng popular na palabas sa TV sa US, nakilala na ang kahusayan sa paghu-host ng aktor na hindi ko malaman kung bakit sa pag-arte ay nabibigyan ng project ng kanyang home network, ang ABS-CBN, at maging ng GMA 7 na kung saan siya ay napapanood din, gayong mas magaling siyang host.

Yes wala yatang bahay ang hindi naka-on sa Talentadong Pinoy tuwing Linggo ng gabi dahil sa kakaibang talento na ipinakikita ng maraming Pinoy gayong may mga katulad din na programa sa ibang network na pwede nilang salihan. Baka mas malalaki pa ang premyong mapapanalunan.

Ang maganda kay Ryan, hindi niya kailangan ng co-host. Kaya niyang magdala ng isang show na mag-isa. Feeling ko pa nga mas makakabawas pa ng kanyang effectivity sa show kung may kasama siya. Pero pwede siyang magkaroon ng co-host, he’s one personality na pwedeng mag-blend sa sinumang kanyang makasama. Isa pa rin ito sa kanyang talento. Hindi siya maramot, marunong siyang mag-adjust.

Kung mari-realize lamang ng kanyang network ang pambihirang talento ni Ryan o kaya ay kunin siya ng ibang network para maging host, I’m sure Ryan will become Philippine TV’s “The Host. ” * * *

Parang diring-diri naman si Kris Aquino sa balita tungkol sa isang showbiz personality na inabot ng isang buwan na hindi naliligo. Hindi niya maintindihan kung paano tumagal ng isang buwan na hindi naliligo gayong siya ay kailangang maligo araw-araw (at ilang beses pa) to survive.

Lumabas na si Giselle Sanchez pala yung kinailangang hindi maligo dahil sinunod niya ang isang Chinese post-partum practice (ge lai) para sa mga babae na kakapanganak pa lang. Sa paraang ito, agad bumabalik sa normal hindi lamang ang katawan niya kundi maging ang pakiramdam niya.

Sa loob naman daw ng isang buwan ay hindi naman siya naging marumi dahil nagpupunas siya palagi at nagpapabango, bukod pa ito na nasa air conditioned room naman siya at hindi nagpapaaraw kaya hindi rin siya pinagpawisan. * * *

Pinangatawanan ni Piolo Pascual ang pagiging producer niya ng Kimmydora, ang launching film ni Eugene Domingo. Nanatili siya sa likod ng camera at ipinamahala na lamang ang pag-arte sa inilulunsad niyang bituin na si Eugene at sa kaibigan niyang si Dingdong Dantes na kinuha niyang bidang kapareha ni Eugene.

Hindi kataka-taka kung papurihan man ni Eugene ang lalaking sumugal sa kanyang talino, pero para manggaling ang papuri sa itinituring na karibal ni Piolo sa pagiging aktor na si Dingdong, ibang klase na yun.

Pinapurihan ng huli ang tapang ni Piolo para gumawa ng pelikula sa panahon ng krisis. Lalong hinangaan niya ang pagiging maalalahanin nito sa kanyang mga workers. Madalas ito sa set at tinitingnan ang kondisyon nilang lahat.

Samantala, bukod sa pagpoprodyus niya ng pelikula, pinagbubuhusan ng panahon ni Piolo ang pagiging close sa kanyang kapareha sa Lovers in Paris na si KC Concepcion.

Tingin nga ng marami ay nanliligaw na siya sa dalaga. Para bigyan niya ng pasalubong ng limang taong supply ng pabangong Frederic Malle, na isang sikat na pabango sa Paris at may kamahalan ang halaga. Hindi ito ginagawa ng isang nagpapa-impress lamang kundi ng isang lalaking talagang may saloobin sa isang babae. philstar.com

Search Terms: talentadong pinoy shalala background music, pinoy background, talentadong pinoy background musics, talentadong pinoy background songs