Powered by Max Banner Ads 

Sa gitna ng mas tumataas na popularidad ng Talentadong Pinoy, ang talent show na hino-host ni sa TV5, ay mas lalong magkakaroon ng pagkakataon ang mga talentado nating mga kababayan para ipamalas ang kanilang talento at ipakita ang kanilang galing sa dumadami pang viewers ng programang ito tuwing Sabado.

On-going ang para sa Talentadong Pinoy at bukas ito sa kahit sinumang gustong makipagsapalaran at ibida ang kanilang angking talino sa maraming manonood. Ngayong Miyerkules (Abril 29) ay sa SM Dasmarinas sa Cavite gaganapin ang Talentadong Pinoy at sa Biyernes (May 1) naman, ay kasabay ang sa masaya at bonggang TV5 LIVE CARAVAN na buong araw gaganapin sa Music Hall ng SM Mall of Asia.

Kasabay naman ng 5MAX Baranggay Screening activity ng TV5 sa Rosario Covered Court sa Pasig City ang isa pang Talentadong Pinoy auditions sa Linggo (May 3). Kaya inaanyayahan ng Talentadong Pinoy at ng TV5 ang lahat Pilipino na may angking talento at galing na puwedeng hangaan ng maraming tao na pumunta na sa mga audition venues at makisaya sa pag-shake it sa tag-init ng TV5. pep.ph